DAPAT ipagpatuloy ni President-elect Bongbong Marcos ang normalization process ng pamahalaan sa ilalim ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).
Ayon kay Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr. nararamdaman na ng mga myembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang kapayapaan na pinakalayunin ng programang CAB sa ilalim ng administrasyong Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Kung kaya’t sayang aniya kung hindi ito ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon.
Ayon kay Galvez, sa kabila ng pandemya, ilan sa mga katagumpayang nakamit ng CAB ay ang pagbibigay ng agarang cash assistance sa 19, 345 decommissioned MILF combatants.
Nagpatupad din ito ng 41 social entrepreneurship projects para sa decommissioned MILF members maging sa kanilang pamilya at komunidad.
May emergency employment din sa 1,028 decommissioned combatants at Integrated Skills Development Training ng iba pang 1, 353 na decommissioned combatants.
Pinasalamatan naman ni Galvez ang Inter-Cabinet Cluster Mechanism on Normalization (ICCMN) sa epektibo nitong pagpatutupad ng CAB sa pagitan ng pamahalaan at MILF.