NAKATAKDA ngayong araw, Hulyo 2, 2025 ang Game 4 sa PBA Philippine Cup Semifinals.
Ang game sa pagitan ng San Miguel Beermen at Brgy. Ginebra San Miguel ay mamayang alas singko ng hapon sa MOA Arena.
Susubukan ng Beermen na habulin ang 2-1 lead ng Gin Kings sa best-of-seven series sa semifinals.
Samantala, alas syete y media ng gabi sa MOA Arena pa rin ang game ng TNT Tropang 5G at Rain or Shine Elasto Painters.
Sa pagitan ng dalawa, ang Tropang Giga ang may 2-1 lead kontra Elasto Painters.