ABANGAN ngayong araw, Hunyo 23, 2025, 8:00 am Philippine time ang Game 7 ng 2025 NBA Finals.
Ito na ang muling pagkakaroon ng Game 7 sa NBA Finals simula taong 2016 at nangyari ito sa pagitan ng Oklahoma City Thunder at Indiana Pacers.
Muntikan na sanang makuha ng Thunder ang kampeonato sa Game 6 ngunit nakaya pang mairaos ng Pacers ang laro sa iskor na 108-91.
Kung sino naman ang mananalo sa Game 7 ay ito na ang koponang magiging kampeon para sa 2025 NBA Finals.