PINUNA ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang sistema ng pamamahagi ng ayuda na tila nagpapakita ng kawalan ng pangmatagalang solusyon tulad ng livelihood programs para sa mga Pilipino.
“Kailangan malaman ng taong-bayan, ito ba ang gusto ninyong sistema? Na pinapaasa na lang kayo sa ayuda, instead na livelihood program ang ibigay at turuan kayo para makapag hanap-buhay.”
“Ang masama pa, ‘yung ayuda, palalabasin na parang pera pa nila.”
“Ganyan na katindi, ganyan na ka-corrupt ang sistema. Hindi na lang tayo iimik? Tatahimik na lang tayo?”
“Five to ten years from now, sinong maghihirap? ‘Di ba itong mga bata ngayon na mga future generation? Sila ang maghihirap,” ayon kay Mayor Benjamin Magalong, Baguio City.