Garage sale for a cause, inilunsad ng mga kababaihang kongresista

Garage sale for a cause, inilunsad ng mga kababaihang kongresista

INILUNSAD ngayong araw ng Miyerkules, Nobyembre 23 ang ‘garage sale for a cause’ sa Kamara.

Ito’y sa pangunguna ng Association of Women Legislators Foundation, Inc. (AWLFI) o ng Samahan ng mga Kababaihang Kongresista ng 19th Congress.

Gagamitin ng mga mambabatas ang mga malilikom dito bilang pantulong sa ating mga kababayan sa darating na Pasko.

Kasama sa mga binibenta ang mga lumang damit nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Marcos at dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.

Hindi ito ang unang pagkakataon na may ganitong inisyatibo ang AWLFI dahil karaniwan nilang ginagawa ang garage sale kapag may gusto silang tulungang sektor.

 

Follow SMNI News on Twitter