BINATI ni dating DOH chief at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin si Dr. Ted Herbosa bilang bagong kalihim ng kagawaran ng kalusugan.
Umaasa si Garin sa sipag at tagumpay ni Herbosa sa kaniyang bagong tungkulin sa paghahatid ng serbisyo sa mamamayan ng bansa.
Aniya, kailangan ng DOH ang isang tagapamahala na maaaring mag-asikaso sa mabilis na paghahatid ng mga serbisyo lalo na sa mamamayang Pilipino.
Naging DOH chief si Garin noong 2015 hanggang 2016 sa panahon ni dating President Benigno Noynoy Aquino III.
Minsang nagsilbi bilang Health Undersecretary at naging opisyal ng Philippine General Hospital si Herbosa sa loob ng maraming taon.