Gary Valenciano, magkakaroon muli ng concert ngayong taon

Gary Valenciano, magkakaroon muli ng concert ngayong taon

MAGKAKAROON ng concert finale ngayong buwan sa Araneta Coliseum si Gary Valenciano.

Sa anunsiyo, ang ‘Pure Energy: One More Time’ Concert Series ay gaganapin sa Disyembre 20 hanggang 22.

Sa magiging concert finale na ito para ngayong 2024 ay makakasama ni Mr. Pure Energy sina Regine Velasques, Ogie Alcasid, Maymay Entrata, SB19, Gloc-9, Darren Espanto, at Jay Durias.

Ang magiging kita ng concert ay ibibigay naman sa isang non-government organization na sinusuportahan ni Valenciano.

Noong Abril at Mayo ay nagkaroon na rin ng concert si Gary sa Mall of Asia Arena.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble