Gas stations sa Vietnam, nagsara; Publiko, nababahala

Gas stations sa Vietnam, nagsara; Publiko, nababahala

IKINABABAHALA ng mga taga-Vietnam ang biglaang pagsasarado ng ilang gas stations sa Ho Chi Minh City at Hanoi.

Hindi nailabas ang kabuuang bilang ng mga nagsara subalit paniniwala ng mga residente, may kakulangan na sa suplay ng petrolyo.

Sinabi ni Vietnamese Minister of Industry and Trade Nguyen Hong Dien, dahil sa mataas na foreign exchange rate at pahirapan na fuel importation ang dahilan kung bakit nagsara ang gas stations.

Subalit ipinaliwanag nito na walang kakulangan ng suplay ng petrolyo sa bansa.

Sa katunayan, ang domestic fuel refineries ng Vietnam na nagbibigay ng 70%-80% na suplay ng petrolyo ay nag-ooperate nang maayos.

 

Follow SMNI News on Twitter