MAAARING tataas ng mahigit 18% ang gastusin sa pagpapagamot ng mga Pilipino ngayong 2025.
Batay ito sa datos ng global medical trends survey ng UK-based global advisory company na Willis Towers Watson (WTW) na ibinahagi ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI).
Isa sa mga dahilan dito ang pagtaas sa presyo ng mga medical supply.
Ang survey na ito ay isinagawa noong Hunyo hanggang Agosto 2024 sa 348 na leading health insurers mula sa 75 bansa.