Gatchalian sa publiko: Samantalahin ang Estate Tax Amnesty Extension sa gitna ng ‘Tax Awareness Month’ 

Gatchalian sa publiko: Samantalahin ang Estate Tax Amnesty Extension sa gitna ng ‘Tax Awareness Month’ 

NANAWAGAN si Sen. Win Gatchalian sa mga taxpayers na samantalahin ang extension ng Estate Tax Amnesty Program ng gobyerno kung saan pinalawig ang deadline hanggang Hunyo 14 ng taong ito mula sa dating Hunyo 15, 2023.

Sa Republic Act 11956, pinalawig ang Tax Amnesty Program ng dalawang taon upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga legal heirs, transferees, o mga benepisyaryo na magbayad ng excise taxes sa kanilang mga ari-arian na minana nila sa mga namatay na kamag-anak.

Ang naturang batas ay nagbibigay-daan para sa pagbabayad ng mas mababang halaga, dahil ang mga tagapagmana ay hindi na kailangang magbayad ng anumang penalty o interes.

Itinatakda ng batas na ang paghahain ng excise tax ay maaaring gawin nang mano-mano o elektronikong paraan sa alinmang authorized agent bank o Revenue District Office ng mga tagapagmana at benepisyaryo.

Nakapaloob din sa batas ang isang installment payment option para hikayatin ang mga nagbabayad ng buwis na mag-avail ng amnesty program.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble