Gawilan, Mangliwan at Bejino, hindi uurong sa 2024 Paris Paralympics

Gawilan, Mangliwan at Bejino, hindi uurong sa 2024 Paris Paralympics

UMAASA sina Tokyo Paralympians Ernie Gawilan, Jerrold Mangliwan at Gary Bejino na makalalahok sila sa 2024 Paris Paralympics.

Bagama’t wala silang nakuhang mga medalya mula sa Paralympics ngayong taon, marami naman silang natutunan mula sa karanasan nila dito na siyang naging inspirasyon nila para sumali muli sa 2024.

Sa Paralympics, ani wheelchair racer Mangliwan, agad sinalubong ng pagsubok ang Philippine delegation dahil tatlo sa kanilang anim ang tinamaan ng COVID-19.

Dahil dito, sa kanilang events, ginagawa nila ang lahat hindi para sa ikaaangat ng kanilang pangalan kundi iniaalay na nila ang kanilang laban para sa kasamahan nitong hindi na nakapaglaro sa Paralympics.

Sa panig naman ng swimmers na si Bejino at Gawilan, nakakakaba ang dalawang beses na saliva test.

Kung may pinakamaganda man anila silang naranasan dahil sa COVID-19, ito ay ang mag-adjust at magtiwala sa sarili na kaya nila.

 

SMNI NEWS