Gen. Benjamin Acorda, posibleng mapalawig ang pananatili sa PNP

Gen. Benjamin Acorda, posibleng mapalawig ang pananatili sa PNP

POSIBLENG mapalawig ng isang taon ang pananatili sa puwesto ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Benjamin Acorda Jr. na nakatakdang magretiro sa Disyembre.

Ito ang inihayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri kung maipapasa ang panukalang itaas sa 57-taong gulang mula sa 56-taong gulang ang mandatory retirement age sa Pambansang Pulisya.

Ayon kay Zubiri, plano nilang gawing pantay ang retirement age ng mga pulis at mga sundalo.

Maliban dito, nangako ang lider ng Senado na kaniyang susuportahan ang PNP Modernization Act upang mapahusay ang buong organisasyon.

Hinimok ni Zubiri si Acorda na magsumite ng wishlist upang maidagdag sa pondo ng pulisya sa susunod na taon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble