BINISITA ni PLtGen. Vicente Dupa Danao ang National Capital Region Police Office (NCRPO) kung saan siya nanilbihan bilang regional director.
Bahagi ito ng kaniyang sentimental journey dalawang buwan bago ang nakatakda nitong retirement sa Agosto ngayong taon.
Sa kaniyang mensahe, muling pinaalalahanan ang mga kawani ng NCRPO na huwag masangkot sa ilegal na droga.
Nagpasalamat din ang heneral sa mga kapulisan sa suporta na nakuha nito mula sa kaniyang pagiging NCRPO chief hanggang sa malipat ito sa bagong posisyon bilang APC-Western Mindanao Commander.