General Brawner, personal na ipinaabot ang mensahe ni PBBM sa mga sundalo sa Ayungin Shoal

General Brawner, personal na ipinaabot ang mensahe ni PBBM sa mga sundalo sa Ayungin Shoal

PERSONAL na nagtungo si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo S. Brawner Jr. sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal nitong Linggo, Disyembre 10, 2023.

Sa kaniyang pagbisita, ipinaabot nito ang mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. para sa mga nakaistasyon na sundalo sa isla lalo na ngayong Kapaskuhan.

Ani Brawner, nabatid nito na hindi pala ganoon kadali ang pinagdadaanang hirap at sakripisyo ng mga sundalong Pinoy sa Ayungin kasunod ng naranasan nilang tensiyon sa pagitan ng China at mga barko ng Pilipinas sa pinakahuling rotation at resupply mission nito sa isla.

Matatandaang muling nakaranas ng water cannon attack ang mga barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) habang naglalayag ito patungo sa Ayungin Shoal ngunit matagumpay naman nitong naihatid ang mga suplay sa mga sundalong Pilipino.

Isang maliit na Noche Buena ang ginawa ng heneral kasama ng mga tropa ng pamahalaan para ipadama ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga ito para sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble