WAGI ang City Government ng General Trias, Cavite sa katatapos lamang na Model Cities and Municipalities Awards ng The Manila Times.
Ang awards ay kumikilala sa programa ng local governments para mapaangat ang buhay ng kanilang constituents.
Dahil diyan, kinilala ang General Trias City bilang “Champion for Sustainability”.
‘‘This model Cities and Municipalities was designed to honor the Local Government Units (LGUs) for their exemplary performance,’’ ayon kay Blanca Mercado President and COO, The Manila Times.
Ayon naman kay City Mayor Jon Jon Ferrer,
‘‘Una, thank you po sa Manila Times for recognizing our efforts po sa aming City. Together with Vice Mayor Jonas and our good Congressman Oni and the rest of the Sangguniang Panglunsod.’’
Kinilala rin ang General Trias bilang retirement haven. Pero bakit nga ba retirement haven?
‘‘Siguro nakita ‘yung potential po ng ating lugar kasi yung proximity with Tagaytay ‘yung weather ho namin. May portion kami ng jugliest na pero medyo Tagaytay na ho ‘yung weather and siyempre interms ‘yung value ng lands hindi pa ganun kamahal compare sa Tagaytay City,’’ saad pa ni City Mayor Jon Jon Ferrer.
Second runner up din ang General Trias bilang “Model City”.
Samantala, nasa General Trias nitong Biyernes si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. para mamahagi ng bigas sa mga residente.
‘‘Bilang Pangulo at bilang Kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura, nais kong bigyang-diin ang aming hangarin na mas masaganang buhay,’’ ayon pa kay Pangulong Marcos.
Smuggled rice ang ipinamahagi ni Pangulong Marcos sa mga residente. Bawat isa ay nakatanggap ng isang sakong bigas.
Bukod sa bigas, namahagi rin ang Pangulo doon ng farm assistance sa mahigit 200 farmer beneficiaries.