Genome center facilities ng Visayas at Mindanao, nangangailangan ng P100-M

Genome center facilities ng Visayas at Mindanao, nangangailangan ng P100-M

NANGANGAILANGAN ang satellite facilities ng Philippine Genome Center (PGC) sa Visayas at Mindanao ng tag-P50 milyon upang makapagsagawa ng genome sequencing ayon sa executive director ng University of the Philippines National Institutes of Health (UP-NIH).

Sinabi ni UP-NIH Chief Dr. Eva Maria Cutiongco-de la Paz, pinag-aralan nito kasama si PGC Executive Director Dr. Cynthia Saloma kung magkano ang pondong kakailanganin ng Visayas at Mindanao upang maisagawa ang genome sequencing at matukoy ang variants ng COVID-19.

Ayon kay Saloma, gagamitin ang pondo sa pagbili ng genome sequencing equipment at kits upang makapag-sequence ang PCG Visayas at Mindanao ng 50 samples kada linggo.

Dagdag ni PCG chief, susubukan ng mga itong humingi ng pondo mula sa Department of Health (DOH) at Department of Science and Technology (DOST) ngunit aniya ay handa naman silang tumanggap ng suporta mula sa kahit na sino.

Ani De Lapaz, ang planong ito ay upang mapalawak ang kapasidad ng PCG makapag-genome sequencing sa kalagitnaan ng pagtaas ng kaso ng mga bagong variant ng COVID-19.

Panukalang Center for Disease Control at Virology Institute, inaasahang maisabatas

Samantala, naniniwala si Department of Health Sec. Francisco Duque III na malaki ang maitutulong sa bansa nang pagkakaroon ng Center for Disease Control at Virology Institute.

Kaya naman, umaasa si Duque na maisabatas ito sa huling taon nang panunungkulan ni Pang. Rodrigo Duterte bilang pangulo ng Republika ng Pilipinas.

insert francisco vc 01

Ani Duque, bukod pa rito mas magiging maganda ang plano, tugon at paghahanda ng gobyerno kapag magkakaroon ng Center for Disease Control.

BASAHIN: Senator Bong Go, suportado ang pagtatayo ng sariling virology center sa bansa

SMNI NEWS