Gerald Bantag, sasampahan ng kasong plunder ng BuCor

Gerald Bantag, sasampahan ng kasong plunder ng BuCor

SINABI ni Bureau of Corrections (BuCor) chief Gregorio Catapang Jr. na maghahain sila ng kasong plunder laban kay Gerald Bantag hinggil sa umanoy kwestyonableng pag-release ng pondo para sa konstruksyon ng prison facilities.

Nagkakahalaga ito ani Catapang ng isang bilyong piso.

Posibleng ngayong Biyernes o sa susunod na linggo ihahain ng BuCor ang naturang plunder case.

Binigyang-diin ni Catapang na may sapat silang ebidensya na magpapatunay na nai-release na ang halos P300-M na pondo kahit hindi natapos ang proyekto.

Maliban pa rito, susuriin din ng Anti-Money Laundering Council (AMLAC) ang bank accounts ni Bantag at ng kanyang pamilya para malaman kung may nangyayaring transfer ng nai-release na pondo.

 

Follow SMNI News on Twitter