NAKIKITA ng German-Philippine Chamber of Commerce and Industry (GPCCI) na potensiyal ang Pilipinas sa larangan ng sales and marketing, services, at research and development.
Sa survey pa ayon kay GPCCI President Stefan Schmitz, “satisfied” pa rin ang 50 porsiyento sa mga German business sa kanilang output sa Pilipinas.
Kinakailangan lang ayon sa GPCCI na tutukan ang kakulangan ng skilled workers at presyo ng bilihin sa bansa dahil maaaring makaaapekto ito sa mga negosyo.
Ngayon, hinihikayat ng GPCCI ang pamahalaan na bumuo ng mga estratehiya at pulisiya na makatutulong mapaunlad ang skills development tungo sa mas maraming employment opportunities ng mga Pilipino.