German footwear na Adidas, pinatawan ng 15K dollars na multa ng Turkey

German footwear na Adidas, pinatawan ng 15K dollars na multa ng Turkey

PINATAWAN ng Turkey ng mahigit $15,000 na multa ang German footwear corporation na Adidas.

Dahil ito sa kanilang kabiguang ipaalam sa mga mamimili na ang isa sa kanilang mga flagship footwear ay naglalaman ng balat ng baboy.

Sa paliwanag ng nabanggit na Muslim-majority na bansa, kinondena nila ito dahil sinabi ng Adidas na ang ‘Samba O.G.’ trainers nila ay gawa sa tunay na leather, ngunit hindi nila isinapubliko na gawa ito sa balat ng baboy.

Noong 2020, inihayag ng Turkey Presidency of Religious Affairs na hindi nila pinahihintulutan ang paggawa ng sapatos o kasuotan mula sa balat o balahibo ng baboy.

Ngayon, sinabi ng Adidas na ‘updated’ na ang kanilang specification para sa naturang uri ng footwear, ngunit hindi na sila naglabas ng komento hinggil sa multa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble