IBINALITA ng Department of Migrant Workers (DMW) ng libu-libong mga Pinoy skilled worker ang kinakailangan ng Germany at Czech Republic.
Sa sinabi ni DMW Usec. Patricia Caunan, sa sektor ng manufacturing, construction, at engineering ang pinakanangangailangan ng dalawang bansa.
Sa Germany pa lang ay nasa 10,000 working visas ang handang ibigay nito.
Sa kabila nito, ay ipinaalala ng DMW na huwag paloko sa anumang recruitment agencies upang makaiwas sa mga scam.
Mainam na mismo sa kanila o sa kaparehong mga gov’t agency makipag-ugnayan.