Giant Christmas Tree sa sa isang mall sa San Juan City, pinailawan na

Giant Christmas Tree sa sa isang mall sa San Juan City, pinailawan na

HINDI nagpahuli ang San Juan City sa paggandahan ng Christmas Tree ngayong taon.

Nitong gabi lamang, pinailawan na ang Christmas Tree sa isang mall sa lungsod.

Maaga pa lang ay marami nang nag-aabang ng pagpapailaw ng Giant Christmas Tree sa isang mall sa San Juan City.

Pulang-pula at nagniningning ang dambuhalang Christmas Tree dahil pinuno ito ng mga poinsettia, mistletoe, 30,000 Christmas lights, at iba pang traditional na palamuti.

Iba’t ibang holiday activities ang pwedeng ma-enjoy ng pupunta rito kabilang ang pet events ngayong November, holiday fair at Christmas workshops tuwing weekend sa December.

Ramdam naman ng pamunuan ng mall ang pagbabalik sigla ng mga negosyo matapos ang dalawang taong pandemya.

Dumadami na nga ang lumalabas ng kanilang bahay para mamasyal kasama ang kanilang mga mahal sa buhay ngayong holiday season.

Follow SMNI NEWS in Twitter