NILAGDAAN ng Korea Mobile Telecommunications Services Corp., o SK Telecom ang kasunduan nito sa Ahnlab Blockchain Company and Atomix Lab ukol sa pagtatatag ng digital asset wallet service.
Ayon sa SK Telecom, ang nasabing wallet service ay kayang tumanggal, magtransfer, at magpondo ng cryptos, NFTs at ‘soulbound tokens (SBTs)’.
Ang nasabing teknolohiya ay nakabase naman sa Seoul based stratup Atomix Labs, habang ang SK Telecom at Ahnlab Blockchain Company ang siyang magdedevelop sa nasabing proyekto.
Naniniwala naman si Oh Se-Hyeon, SK Telecom head of digital asset unit, na papatok ang nasabing teknolohiyang inilunsad nila para sa mga mamamayan sa bansa.
Samantala, nagpaalala naman ang SK Telecom na walang dapat ikabahala ang mga mamamayan sa paggamit sa nasabing teknolohiya dahil user-friendly ito at madali lang gamitin.