Gilas Girls, panalo laban sa Samoa para sa 2-0 start na record sa FIBA U18 Asian Championship

Gilas Girls, panalo laban sa Samoa para sa 2-0 start na record sa FIBA U18 Asian Championship

NAGAWANG manalo ng Gilas Pilipinas Women U18 Team laban sa Samoa upang makuha ang ikalawang sunod na panalo nito sa FIBA U18 Women’s Asian Championship Division B sa Koramangala Indoor Stadium.

Naging mainit ang laban ng Gilas Girls at Samoa na nangunguna sa mga unang bahagi ng laro ngunit nagawa itong habulin ng Gilas Girls na nagtapos sa iskor na 66-59.

Pinangunahan ni Sumayah Sugapong ang Gilas na nakapagbigay ng 28 points, 6 rebounds, 5 assists at 4 steals.

Nagdagdag naman si Kristal Yumul ng 16 points at nag-ambag si Kate Bodabilla at Louna Ozar ng tig-8 puntos.

Haharapin ng Gilas ang Maldives ngayong araw upang tapusin ang group stage at para sa outright berth nito sa semifinals.

Follow SMNI NEWS in Twitter