MAKAKUHA na ang Gilas Pilipinas Women ng semifinals slots sa FIBA U16 Women’s Asian Championship Division B matapos nitong nilampaso ang Samoa na nagtapos sa iskor na 94-65.
Pinangunahan ni Kristan Geyl Yumula ng pagkapanalo ng Gilas Women na nakapagtalang 22 points mula sa limang 3-pointers na may 5 assists, 3 rebounds at 2 steals.
Nag-ambag din si Natalie Panganiban ng 14 points, 7 rebounds, 5 assists at 3 steals, samantalang nagdagdag si Princess Villarin ng 13 points.
Naging pinakamalaki ang lamang ng Gilas girls sa iskor na 94-63 matapos ang 3 point shot ni Sierra Jade Patricio sa huling 52.1 segundo ng laro.
Ang Pilipinas na lumahok sa Women’s U-16 sa unang pagkakataon simula noong taong 2019 ay maglalaro sa semifinals sa Miyerkules.