Gilas Pilipinas, balik training para sa Asian qualifiers

Gilas Pilipinas, balik training para sa Asian qualifiers

MAGBABALIK training na ang Gilas Pilipinas para sa gaganaping FIBA World Cup Asian Qualifiers ngayong Pebrero.

Ilan sa mga inaasahang kasama sa qualifiers ay sina sina CJ Perez at June Mar Fajardo mula sa San Miguel Beermen, RR Pogoy, JP Erram, Calvin Oftana mula sa TNT Tropang Giga at Scottie Thompson, Japeth Aguilar at Jamie Malonzo mula sa Ginebra Kings.

Inaasahan din si Ginebra resident import Justin Brownlee na makakasama sa national team bilang naturalized player.

Bagama’t nakatitiyak na ang puwesto ng Pilipinas sa 2023 FIBA ​​World Cup bilang host, todo pa rin ang training ng Gilas dahil umaasa itong tapusin nang malakas ang qualifiers at manalo sa harap ng libu-libong tao sa Philippine Arena.

Follow SMNI NEWS in Twitter