PANALO ang Gilas Pilipinas kontra New Zealand sa kanilang naging game nitong Nobyembre 21, 2024 para sa 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers.
Sa iskor na 93-89 pabor sa Gilas, nanguna si Justin Brownless para sa koponan matapos nag-ambag ito ng 26 points, 11 rebounds, at 4 assists.
Si Kai Sotto naman ay nag-ambag ng 19 points at 10 rebounds dahilan para manalo ang Gilas sa laro.
Samantala, Sisi Rondina bilang ‘Ace’ is On It Again!
‘Player of the Game’ naman ang tinaguriang ‘Cherry Bomb’ sa naging laban ng Choco Mucho Flying Titans kontra Capital1 Solar Spikers matapos nag-ambag ito ng 23 points, 17 attacks, 4 blocks, at 2 aces.
Dahil dito, ang scoring, 25-20, 26-24, 26-28, 25-9 pabor sa Flying Titans.
Samantala, bago ang laro ng Choco Mucho at Capital1 ay nauna ang game ng Cignal HD Spikers Versus Chery Tiggo Crossovers.
Sa kanilang laban, panalo ang HD Spikers sa iskor na 25-19, 20-25, 25-18, 25-21.
Si Dawn Macandili-Catindig ang ‘Player of the Game’ matapos nag-ambag ito ng 23 excellent digs at 6 excellent receptions.