TUTUNGO ang Gilas Pilipinas sa Qatar para sa 2nd Doha Invitational Cup ngayong Pebrero 14 hanggang 16, 2025.
Bahagi ito ng kanilang paghahanda sa nalalapit na rin na ikatlo at final window ng FIBA 2025 Asia Cup Qualifiers sa Pebrero 20 hanggang 24.
Sa magiging tournament sa Qatar, makakalaban ng Gilas ang mismong host country, maging ang Lebanon at Egypt.
Sina Troy Rosario, Ange Kouame, Justin Brownlee, Scottie Thompson, June Mar Fajardo, CJ Perez, Dwight Ramos, Carl Tamayo, Chris Newsome, Calvin Oftana, Mason Amos, AJ Edu at Jamie Malonzo ang bubuo ng Gilas Pilipinas.
Follow SMNI News on Rumble