Gilas Pilipinas, sasabak sa 2nd Doha Intl Cup ngayong Linggo

Gilas Pilipinas, sasabak sa 2nd Doha Intl Cup ngayong Linggo

SASABAK ang Gilas Pilipinas sa 2nd Doha International Cup bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa nalalabing laban sa 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers.

Makikipagtagisan ng galing ang national team kontra sa malalakas na koponan mula sa Qatar, Lebanon, at Egypt sa naturang torneo.

Matapos ang Doha stint, ipagpapatuloy ng Gilas ang kanilang natitirang mga laban sa FIBA Asia Cup Qualifiers.

Bagamat kuwalipikado na ang Pilipinas sa FIBA Asia Cup ngayong taon, kailangan pa rin nilang tapusin ang natitirang laban kontra Chinese Taipei at New Zealand.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble