MULING namayagpag ang Gilas Pilipinas Under-16 (U16) Men’s Team matapos tambakan ang Singapore, 101-37, sa FIBA U16 Asia Cup SEABA Qualifiers sa Pampanga.
Matinding depensa ang ipinamalas ng Gilas— tatlong quarters pa lang ay nalimitahan sa single digits ang puntos ng kalaban.
Itinanghal na Best Player of the Game si Gab Delos Reyes na nagtala ng 7 points, 13 rebounds, 6 assists, at 7 blocks—isang tunay na depensa ang puhunan!
Anim na Gilas players naman ang umiskor ng double figures, kung saan pinangunahan ni Everaigne Cruz na may 14 points. Ang birthday boy naman na si Travis Pascul, muntik nang mag-triple-double sa loob ng 19 minuto.
Susunod na makakalaban ng Gilas ang kapwa undefeated na Indonesia ngayong araw, at Malaysia naman sa Mayo 29.