PANALO ang Brgy. Ginebra San Miguel sa kanilang unang game sa nagpapatuloy na elimination round ng PBA Commissioner’s Cup 2024.
Sa laro nitong Disyembre 11, 2024, 109-100 ang iskor ng Gin Kings kontra NLEX Road Warriors.
Si Stephen Holt ang nanguna para sa Gin Kings sa iskor na 26 points.
Sinundan siya ni Justin Brownlee na may 24 points.
Sa kabilang banda, panalo naman ang TNT Tropang Giga kontra Magnolia Chicken Timplados Hotshots sa iskor na 103-100.
Nag-ambag si Calvin Oftana ng 42 points habang 41 points mula kay Rondae Hollis-Jefferson.
Samantala, sa nagpapatuloy rin na preliminary round ng PVL All-Filipino Conference 2024-2025, alas kwatro ng hapon ang laro ng Creamline Cool Smashers at Zus Thunderbelles.
Susundan ito ng Choco Mucho Flying Titans at Farm Fresh Foxies, 6:30 PM.