NANGUNA sina Justin Brownlee at Scottie Thompson para sa Brgy. Ginebra San Miguel sa naging game nila kontra Rain or Shine Elasto Painters nitong Miyerkules, Enero 22, 2025.
Sa ambag na 29 at 22 points ng dalawa, nanalo ang Gin Kings sa iskor na 120-92.
Maliban sa dalawa ay may ambag din na tig-14 points sina Troy Rosario at RJ Abarrientos.
May 12 points din mula kay Japeth Aguilar.
Samantala, nanalo naman sa unang pagkakataon ngayong elimination round ng 49th season ng PBA Commissioner’s Cup ang Terrafirma Dyip kontra TNT Tropang Giga sa iskor na 117-108.
May ambag na 33 points si Mark Nonoy; 19 points mula kay Brandon Edwards; 16 points kay Louie Sangalang; at tig-10 points sina Kemark Cariño at Aljun Melecio.
Follow SMNI News on Rumble