PABOR si Pastor Apollo C. Quiboloy, Executive Pastor ng The Kingdom of Jesus Christ, na ihinto na ang ginagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon kaugnay sa mga anomalya sa paggamit ng pondo partikular ang isyu ng overpricing sa mga nabiling medical supplies ng PS DBM at DOH.
Ayon kay Pastor Apollo, nauunsyami na ang mga taong nakikinig sa kanilang hearing.
Sinabi rin ni Pastor Apollo na maaring mapasama lamang ang mga senador dahil sa kanilang intensyon sa pagsasagawa ng pagdinig laban sa pamahalaan.
“Eh kung walang hearing na ganyan, hindi na sila mapapansin. Sa pansitan at kangkungan na sila pupunta. Kung ganito naman ang nangyayari at alam ng taong bayan ano ang… lalo kayong mapapasama na ginagamit lamang ninyo ang mga bagay na ito para mapansin kayo at bumango kayo, hindi bumabaho kayong lalo kase ang tao–ang tao ngayon gising na,” pahayag ni Pastor Apollo.
Matatandaan na sa mga nagdaang hearing ng Senate Blue Ribbon ay inihayag na ng COA na wala sa isyu ng overpricing sa mga medical supplies ang kanilang findings kundi sa imbentaryo.
Isinaad din ng COA na sa inisyal nilang pananaw ay walang anomalya sa nabiling medical supplies.
Sa kabila nito ay sinabi naman ni Senator Richard Gordon na magpapatuloy pa rin ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon sa mga darating na araw.
Ito ay sa kabila na una ng umaapela na ang ehekutibo na itigil na ang probe dahil wala namang overpricing.
Ayon kay Gordon, lalalim pa ang kanilang probe dahil sa koneksyon ni dating presidential adviser Michael Yang at Pharmally Pharmaceutical Corporation.
Matatandaan na inamin ng Pharmally na nanghiram sila ng pera kay Yang para gamiting kapital sa kanilang negosyo.
Sa araw ng Biyernes ay inaasahan na gagawin ng Senate Blue Ribbon ang kanilang ikapitong pagdinig laban sa DOH.
BASAHIN: Mga senador, pinagsabihan na ipasa sa Ombudsman ang pag-imbestiga sa DOH