MAGPAPATULOY sa paghahanda ang Barangay Ginebra Gin Kings at para sa Game 1 ng best-of-seven series sa nagpapatuloy na 2023 PBA Governors’ Cup.
Ito’y kahit sa gitna ng paggunita ng Semana Santa.
Ayon kay Ginebra Coach Tim Cone, kahit aniya sa Biyernes Santo ay hahanap sila ng panahon para mag-ensayo.
Para naman kay TNT interim Coach Jojo Lastimosa, kailangan nilang manatiling ‘sharp’ sa paglalaro at hindi anila sila magre-relax.
Ang Game 1 ay nakatakda sa Linggo, April 9, 2023 sa Araneta Coliseum.