Ginutay-gutay na mga plastic bag para sa paggawa ng mga daanan, pinapahintulutan na ng DPWH

Ginutay-gutay na mga plastic bag para sa paggawa ng mga daanan, pinapahintulutan na ng DPWH

PINAPAHINTULUTAN na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang paggamit ng ginutay-gutay na mga plastic bag na hinalo sa aspalto para makagawa ng matibay na mga daanan.

Batay ito sa Department Order No. 139 na nilagdaan ni DPWH Sec. Manuel Bonoan noong Agosto 2.

Ayon kay Bonoan, pakikiisa na rin ito ng ahensiya para sa sustainable engineering at construction technology upgrading.

Sinabi naman ng DPWH na ang paggamit ng ginutay-gutay na mga plastic bag ay nakapasa sa standard na itinakda ng Bureau of Research and Standards.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble