Girlfriend at ina ng UK COVID-19 variant patient, nagpositibo sa COVID-19

NAGPOSITIBO sa COVID-19 ang sampung contacts ng lalaking na tinamaan ng UK COVID-19 variant.

Ito ang kinumpirma ni Department of Health (DOH) Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire.

Ayon kay Vergeire, kabilang sa nagpositibo sa coronavirus ang girlfriend at ina ng UK variant patient matapos muling sumailalim sa RT-PCR test.

Sinabi ng Health official na isasailalim sa genome sequencing ang swab samples ng mga ito para masuri kung may presensya ng bagong variant.

Habang naka-isolate na aniya ang walo pang pasahero ng Emirates Flight EK 332 na nagpositibo rin sa COVID-19.

Dagdag pa ni Vergeire, sa 159 na pasahero ng flight, nasa apat na lamang ang hindi pa nako-contact.

Enero 7 ng dumating sa Pilipinas ang Pinoy na nagpositibo sa bagong COVID-19 variant galing Dubai.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.