IBENENTA ng singer at songwriter na si Taylor Swift ang isang gitara na may pirma niya sa halagang 120,000 US dollar sa isang auction na inorganisa ng country music star na si Toby Keith.
Ang nasabing halaga ay para sa pamilya ng mga batang may cancer.
Nakalikom naman ng 12,500 US dollar ang isa pa nitong gitara na ginamit sa isang sesyon ng pag-record ng kanta niyang “Midnights”.
Nakalikom naman si Taylor ng mahigit $1.8 milyon para sa kaniyang mga benepisyaryo.
Maliban dito ay nag-donate din si Taylor ng isa pang gitara sa Musicares Charity Relief.