Gitarista ng Parokya ni Edgar, nasa ICU at kailangan ng tulong

Gitarista ng Parokya ni Edgar, nasa ICU at kailangan ng tulong

KASALUKUYANG nasa ICU ang gitarista ng Parokya ni Edgar na si Geb Chee Kee kung saan ito nakikipaglaban sa lymphoma-induced pneumonia ayon sa frontman ng banda na si Chito Miranda.

Kasabay nito ay humingi ng tulong si Miranda sa kaniyang mga kaibigan at sa publiko na magpaabot ng tulong-pinansyal para sa tumataas na hospital bills ni Chee Kee.

Kuwento ni Chito, ayaw pang ipaalam ni Kee ang kanyang kondisyon sa lahat dahil na rin sa ayaw nitong mag-alala ang kanilang mga tagasuporta.

Ngunit aniya, matapos nila itong kumbinsihin ng kanyang matalik na kaibigan na si Ebe Dancel na huwag na ipagdamot sa mga tao na tulungan siya dahil sa dami na rin naman ng natulungan nito ng kanyang musika, ay napapayag nila ito na ipaalam sa publiko ang kanyang kondisyon.

Dagdag ni Chito, nakatakda silang magsagawa ng serye ng fundraising gigs upang makatulong kay Kee. Parokya ni Edgar

Pinasalamatan din ni Miranda si Ebe, Kamikazee, Gloc9, Shanti Dope, Flow G, Grace Note, December Ave at Moira dahil sa pagtulong ng mga ito sa kanyang bandmate.

Follow SMNI NEWS in Twitter