NAKARANAS ng malakas na pag-ulan sa gitnang rehiyon ng South Korea.
Nagresulta ito ng pagbaha at pagkasira ng mga ari-arian sanhi ng malakas na pag-ulan at hangin.
Bumuhos ang malakas na ulan sa gitnang rehiyon ng South Chungcheong noong Miyerkules na nagresulta ng pagkasira ng 40 na kabahayan at mga ari-arian at pag-evacuate ng walong residente sa evacuation center.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, lumakas ang ulan na may 224 milimetro sa Hongseong, 157 kilometro Timog ng Seoul simula alas tres ng madaling araw na tumagal ng tatlo hanggang apat na oras.
Nakaranas naman ang Timog Chungcheong ng pag-ulan na may 74.5 milimetro bawat oras sa pagitan ng alas dos hanggang alas tres ng madaling araw at ang gitnang lungsod ng Senjong ay nakaranas ng 140 milimetrong pag-ulan simula hating gabi ng Martes hanggang alas otso ng umaga ng Miyerkules.
Binabalaan din ang lahat ng mga residenteng nasa lugar na dobleng-ingat dahil sa napakalakas na ihip ng hangin.
Ayon sa isang Provincial official, lumubog ang mga sasakyan at sakahan, nasira ang mga kalsada at napinsala ang mga pamayanan.
Sa ngayon, nagkaisa ang pamahalaan ng South Korea at mga mamamayan na ayusin ang pinsalang iniwan ng malakas na ulan at pagbaha at para na rin matulungan ang mga naapektuhan na residente.