IPINAGDIWANG ng aktres na si Glaiza de Castro ang kanyang 34th birthday kasama ang Indigenous People (IP) ng Dumagat sa Aurora Province.
Nagsagawa ng charity event ang aktres at namahagi ng relief goods sa mga IP.
Ito aniya ang mga tao na kadalasang hindi naaabot kapag nangangailangan ng tulong.
Kaya naman ito na rin ang naisip na paraan ni Glaiza de Castro sa selebrasyon ng kanyang ika-34 na kaarawan.
Ang Dumagat tribe ay isa sa mga kinikilalang tribo sa Pilipinas na naninirahan sa Luzon na kabilang sa grupong agta negrito.
Samantala, kasama ni Glaiza sa naturang event ang kanyang fiancé na si David Rainey, na na-inspire sa kanyang ginawa.
Magugunita na noong 2020, na-engaged sina Glaiza at David matapos nilang bisitahin ang hometown nito sa Ireland para sa holidays.