Global death toll sa COVID-19 pandemic, lagpas kalahating milyon na

Global death toll sa COVID-19 pandemic, lagpas kalahating milyon na

LAGPAS na sa 500,000 katao sa buong mundo ang namatay dahil sa novel coronavirus o COVID-19 pandemic ayon sa huling tala ng John Hopkins University.

 

Batay sa kanilang datos, nasa kabuuang 501,233 ang nasawi sa buong mundo dahil sa naturang sakit.

 

Nangunguna pa rin ang Estados Unidos sa may pinakamaraming nasawi sa buong mundo na may 125,804 na fatality.

 

Sinundan naman ito ng bansang Brazil na may higit 57,000 nasawi at United Kingdom na may higit 43,000 death toll.

 

Samantala, umabot na sa 10,145,947 ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

 

60,000 kumpirmadaong kaso ng COVID-19 sa July 31

 

Maaaring umabot sa 60, 000 ang kaso ng COVID-19 sa huling araw ng buwan ng Hulyo.

 

Ito ang inihayag ng isang pag-aaral ng University of the Philippines na pinangunahan ni Dr. Guido David at UP Political Science Assistant Professor Ranjit Singh Rye.

 

Aabot naman sa 27,000 ang inaasahang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa darating na July 31.

 

Sa Cebu naman, maaaring umabot sa 20, 000 ang kumpirmadong kaso sa kaparehong petsa.

 

Kaugnay nito, posible ayon sa DILG na nagiging bagong COVID-19 epicenter ang Cebu City sa bansa.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.