OPISYAL nang nanumpa ang bagong set ng Board of Trustees ng Global Tourism Business Association (GTBA) na pangangasiwaan ni Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco.
Binubuo ang GTBA ng iba’t ibang tourism stakeholders gaya ng travel agencies, tour operators, hotels, airlines, at amusement park.
Ayon kay GTBA President Michelle Taylan, prayoridad nila ang paglikha ng mas maraming events na may kinalaman sa turismo upang mapadami ang mga trabaho sa bansa.
“For employment of course, number one is to create events. Because when you do events, jobs are still there right. Sabi nga di ba when there is tourism there is job,” saad ni Michelle Taylan, President, Global Tourism Business Association.
Ngayong ikatlong linggo ng Pebrero, isasagawa ng asosasyon ang Business-to-Business Global Travel Exchange and Roadshow ngayong ikatlong linggo ng Pebrero sa Kuala Lumpur, Malaysia at Travel Sale Expo sa Setyembre dito sa Pilipinas.
Isang forum din ang gagawin nila sa Cebu tampok ang halal tourism ng bansa sa buwan ng Hulyo.
“We will be discussing that with the Department of Tourism.”
“This is in support to DOT’s with our promotion with our halal tourism,” ani Taylan.
Positibo naman ang Malaysian Embassy sa magiging ambag ng GTBA hindi lang sa trusimo ng Pilipinas kundi maging sa Southeast Asia.
“I’m sure your collective expertise and strong partnership I believe they have the ability to drive growth and shape our future in tourism in the region,” pahayag ni Ambassador Dato Abdul Malik Melvin Castelino, Embassy of Malaysia to the Philippines.
Kinilala naman ni Secretary Frasco ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng gobyerno sa pribadong sektor para mas maiangat ang turismo ng bansa lalo na aniya sa pabago-bagong panahon ngayon.
“GTBA has been a steadfast and reliable partner of the Department of Tourism along with the private sector in sending out this message that there is so much more to love about the Philippines,” saad ni Secretary Christina Garcia-Frasco, Department of Tourism.