AAGAPAY ang Globe sa SIM Registration Assistance ng National Telecommunication Commission (NTC) sa 30 lugar sa bansa.
Ito ay upang maabot ang mas marami pang SIM users.
Maaaring humingi ng tulong sa mga ka-Globe para maiparehistro ang kanilang mga Globe o TM SIM ang mga residente ng Gattaran, Cagayan (harapan ng town hall).
Sa Bangui, Ilocos Norte ay sa Tourism building, Allacapan, Cagayan (in front of town hall), Florida Blanca, Pampanga (Brgy. Nabuklod covered court), Lemery Batangas (municipal covered court), Gasan, Marinduque (municipal covered court) Bacacay, Albay (Bacacay East Central School, covered court), Madalag, Aklan (covered court) Oslob, Cebu (covered court), Tolosa, Leyte (town gymnasium, Sergio Osmeña, Zamboanga del Norte (town gymnasium) Baungon, Bukidnon (municipal covered court), Laak, Davao de Oro (town gymnasium), Antipas, Cotabato (municipal public terminal), Esperanza, Agusan del Norte (municipal covered court), Tublay, Benguet (covered basketball court/gym).
Sa Pebrero 3, 2023 naman ang mga residente ng Pagudpud, Ilocos Norte ay sa Cultural and Sports Complex; Limay, Bataan (Sports Complex), Lian, Batangas (covered court), Sablayan, Occidental Mindoro (municipal grounds), Malabuyoc, Cebu (municipal covered court); Tanauan, Leyte (Tanauan Civic Center); Josefina, Zamboanga del Sur (covered court); San Fernando, Bukidnon (municipal gymnasium); Kiblawan, Davao del Sur (Mata’s Gym); President Roxas, Cotabato (municipal gymnasium); City of Bayugan, Agusan del Sur (City Hall compound); Kapangan, Benguet (covered basketball court/gym).
Bukas ang mga SIM Registration Assistance Desk na ito sa lahat, lalo na sa mga senior citizen, PWD, mga gumagamit ng basic o feature phone o ‘yung mga walang access sa internet.
Huwag kalimutang magdala ng isang valid government ID na may larawan at ihanda ang buong pangalan, birthdate, kasarian, address, government ID na may photo at mobile number.