MULING iginiit ng Globe Telecom at Smart Communications ang panawagan nitong palawigin pa ang deadline ng SIM registration sa Abril 26 upang mabigyan ng sapat na oras ang taumbayan na makumpleto ang kanilang requirements.
Sa pahayag, sinabi ng Smart na dapat ikonsidera ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang oras sa pagproseso sa ibang bansa na umaabot ng 1 – 2 taon.
Ayon kay Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) and Smart FVP and Group Head for Corporate Communications Cathy Yang, makatutulong ang extension sa kanilang subscribers upang makakuha ng valid IDs o mga requirements na kailangan para maparehistro ang kanilang SIM.
Samantala, sinabi ng Globe Telecom na kailangang payagan ng pamahalaan ang ibang forms ng identification upang makapagpa-rehistro na ang mga subscriber na walang valid IDs.
Matatandaan na kahapon lamang nang manindigan ang DICT na walang pagpapalawig na mangyayari para sa SIM registration at mananatili ito hanggang Abril 26 na lamang.