Globe, ibinulgar ang modus na pagbebenta ng Globe At Home modems bilang DITO modems

Globe, ibinulgar ang modus na pagbebenta ng Globe At Home modems bilang DITO modems

IBINULGAR ng Globe sa publiko ang isang iligal na aktibidad na isinagawa ng ilang indibidwal at mga online store sa modus na pagbebenta ng Globe At Home WiFi modems.

Binebenta ng mga ito ang nasabing mga modem sa mga kostumer na may DITO sticker upang magmukha itong DITO modems.

Dahil dito ay nagpalabas ng babala ang Globe sa mga kostumer at publiko.

“It has come to our attention that certain individuals and retail establishments are illegally reselling and passing off as DITO Telecommunity modems, several of our Globe At Home WiFi Modems. The modus is done through the unauthorized unlocking of the Globe device, substituting the Globe SIM with a DITO Telecommunity SIM and concealing the Globe At Home trademark with a sticker of DITO. All Globe At Home Prepaid WiFi kits have pre-inserted SIMs in the modems ready for activation via the Globe At Home app or FB messenger upon purchase,” pahayag ng Globe.

“We are prepared to take the necessary legal action against these unscrupulous individuals and establishments carrying out these deceptive business practices, through the assistance of law enforcement authorities. If anyone has bought, experienced, or has been made aware of this illegal activity, please report the matter to the Department of Trade and Industry–Consumer Protection Group via their email address at [email protected] or text 09178343330. They may also report via Globe At Home’s official FB messenger,” ayon sa Globe.

Dagdag dito ay pinaalalahanan ng nasabing kompanya ang publiko na bumili lamang sa mga lehitimong Globe At Home na tindahan, mga otorisadong dealers at online sites upang matiyak ang garantiya ng kalidad at serbisyo.

Bumisita lamang sa official site ng https://shop.globe.com.ph/broadband o sa pamamagitan ng official Lazada and Shopee Globe flagship stores.

SMNI NEWS