Globe, suportado ang aksyon ng NTC ukol sa illegal cell broadcasters

Globe, suportado ang aksyon ng NTC ukol sa illegal cell broadcasters

SUPORTADO ng Globe ang aksyon ng National Telecommunications Commission (NTC) ukol sa illegal cell broadcasters.

Binalaan din ng Globe ang publiko laban sa iligal na pagbebenta at paggamit ng signal repeaters at signal jammers.

Ayon pa sa kompanya, ang mga ito ay maaaring maging dahilan ng widespread interference sa telecommunications services sa isang partikular na lugar.

Kabilang sa mga network disruptions ay ang pagbagal o ang failed connections, pagbaba ng kalidad ng tawag at voice quality at pagkawala ng cellphone signals.

Simula 2013, ipinagbabawal ng NTC ang pagbebenta ng mga iligal na mga device sa ilalim ng NTC Memorandum Order No. 01-02-2013 o ang “prohibition of portable cellular mobile repeater and portable cell site equipment”.

Sa kabila nito, dumarami pa rin ang mga online shop, seller, vendor ang nagbebenta ng illegal repeaters sa social media.

Sa ngayon, nasa proseso na ang NTC para i-review ang posibleng update sa kanilang lumang memorandum laban sa iligal na pagbebenta ng repeaters.

Kaugnay nito, nagsasagawa rin ang Globe ng routine scanning para sa mga illegal na devices na ito at binibigay ang mga resulta ng scan sa NTC para sa tamang aksyon.

Samantala, hinihikayat ng Globe ang mga costumer na ito na i-report sa kompanya ang mga hinihinalang mga gumagamit o nagbebenta ng illegal repeaters at jammers upang maimbestigahan ng kompanya at i-shut down ang mga illegal device na ito sa tulong ng NTC.

 

SMNI NEWS