Globe Telecom, planong palawakin ang prepaid home fiber sa Pilipinas

Globe Telecom, planong palawakin ang prepaid home fiber sa Pilipinas

PLANONG pataasin ng Globe ang utilization ng kanilang network sa pamamagitan ng fiber connectivity ng kanilang prepaid fiber products sa bansa.

Ayon kay CEO Ernest Cu ng Globe Telecom Inc., tumaas sa 81% ang kita ng serbisyo ng Globe noong 2022 at lalo pang lumago ang benta nito ngayon taon.

Matatandaan na mabilis na lumawak ang home broadband at wireless data market ng Pilipinas sa nakalipas na 2 taon sa likod ng mga setup ng work-from-home at online na klase na dulot ng pandemya.

Sa joint venture ng Globe kasama ang Ayala Corp. at St. Telemedia Global Data Centers, aasahan ang pagbuo ng kakayahan at ilang makabuluhang kapasidad para sa darating na susunod na taon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter