Go Negosyo at CDA, tutulong sa small-time farmers ng bansa

Go Negosyo at CDA, tutulong sa small-time farmers ng bansa

Nagkaroon ng kasunduan ang Go Negosyo at Cooperative Development Authority (CDA) tungo sa pagbibigay ng tulong sa mga small-time farmer sa bansa.

Sa isang memorandum of understanding na nilagdaan noong Enero 4, 2024, tutulong ang dalawa para maiugnay ang nangungunang agri companies sa Pilipinas sa mga willing na kooperatiba ng mga maliliit na magsasaka na maging kasapi ng Kapatid Angat Lahat Agri Program (KALAP).

Kung sisilipin, ang KALAP ang siyang basehan ng ilang mga kasunduang ginagawa ng pamahalaan sa pagitan ng Business Advisory Council ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Partikular na tututukan ng Go Negosyo at CDA ang maturuan ang mga kooperatiba tungo sa pagpaparami ng produkto o pag-abot sa market requirements at marami pang iba.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble