Go signal ng gobyerno, hinihintay ng PVL para sa nakatakdang 2nd season games

Go signal ng gobyerno, hinihintay ng PVL para sa nakatakdang 2nd season games

HINIHINTAY ng Premier Volleyball League (PVL) ang go signal ng gobyerno para sa nakatakdang 2nd season games nito.

Inaasahan ng Premier Volleyball League na magkaroon ng susunod na volleyball conference sa Pebrero 16.

Ngunit ayon sa league President na si Ricky Palou, ito ay depende sa pag-apruba ng IATF at ng Games and Amusements Board (GAB).

Kaya naman kakailanganin muna ng liga na ayusin ang mga plano ng PVL bago ito makapagdaos ng pangalawang season.

Samantala, unang idinaos ng PVL ang professional season nito mula Hulyo hanggang Agosto taong 2021, kung saan kinuha ni Chery Tiggo ang titulo ng open conference sa loob ng bubble environment sa Ilocos Norte.

Setyembre noong nakaraang taon, inihayag ng PVL ang mga plano nito para sa 2022.

Subalit dahil sa kamakailang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, napag-isipan na rin ng liga na pansamantala munang ihinto ang nakatakdang laro.

SMNI NEWS