BAGAMAN nahirapan ang Brazil sa labang ito, nagawang maka-goal ni Casemiro para sa Brazil na nagtapos sa iskor na 1-0.
Sa kabila ng kawalan ng team captain ng Brazil na si Neymar ay nagawa nitong talunin ang Switzerland at sigurado na rin ang pwesto nito sa World Cup last 16.
Sa natitirang 7 minuto ng laro ay ipinasa ni Rodrygo ang bola kay Casemiro sa loob ng box.
Ang Brazil ang ikalawang team pa lamang na nag-qualify para sa last 16 kasunod ng France at ito ang tanging team bukod sa holders na nanalo ng parehong group matches sa Qatar.
Ayon kay Casemiro, kinailangan nila ng matinding pasensya at pagtitiyaga laban sa Switzerland na mayroon ding matinding karanasan at alam din nilang ang mga maliliit na detalye ang magdidikta ng laro at nagpapasalamat sila dahil sa nakuha nila ang goal.
Ang Brazil na kasalukuyang may 6 points ay susunod na kahaharapin ang Cameroon sa Biyernes.