Gobyerno, dapat magtuon sa importers, hindi sa retailers—dating DA Sec.

Gobyerno, dapat magtuon sa importers, hindi sa retailers—dating DA Sec.

PINUNA ni dating Agriculture Secretary Leonardo Montemayor ang gobyerno dahil tila mas binibigyang pansin ang maliliit na retailers ng bigas kaysa sa mga importers at wholesalers.

Ayon kay Montemayor, mas mainam na tutukan ang malalaking negosyante sa importation at wholesale na patuloy na kumikita ng malaki, kaysa ang subukang kontrolin ang mga libu-libong rice retailers na nakadepende sa presyo mula sa mga supplier.

Mas madali aniyang habulin ang malalaking supplier lalo’t hindi nagtagumpay ang pagpapababa ng taripa sa pagpigil sa mataas na presyo ng bigas.

Matatandaan din na inamin ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ang Executive Order 62 ni Marcos Jr., na nagpababa ng taripa sa imported rice mula 35% hanggang 15% ay hindi napababa ang presyo ng bigas gaya ng inaasahan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble